" A Picture is worth a thousand words"
Tanda ko noon mayroon ang Tito ko na dslr banong bano pa ako noon nung nakita ko iyong kamera na iyon. Sabe ko "Pano kaya to gamitin? Parang andami namang pipindutin dito" . Ningitian lang ako ng Tito ko kase sobrang matanong ako noon ayaw niya akong sagutin tungkol sa kamera niya.
Pansin ko pa sa Tito ko noon na kapag gagala kami o pupunta sa ibang lugar palagi siya nakuha ng litrato. Kahit mga puno, pagkain at kung ano pa basta kung anong magustuhan niya. Tinanong kopa siya isang beses " Tito bakit ba lagi po kayo nakuha ng litrato? Hindi na naalis sa kamay niyo yang kamera mo." Ang sagot niya " Alam mo para makolekta ko ang mga memories sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato at nakakawala kaya to ng stress". Doon ko lang naisip na masaya siguro na gawin ko yon at gayahin ko ang Tito ko.
Kahit mga simpleng bagay na nakikita ko hilig kong kuhanan. Minsan nga napaka OA kuna yung bago kumain kailangan kuhanan ko muna ng litrato yung kakainin namin mga ilang shots pa iyon bago pa kami magsimula. May times din na kapag magtatravel kami hindi pwede na wala akong memories na litrato sa mga lugar na napuntahan namin. Naisip ko kase na maitatago ko ang mga litrato na ito at sobrang laking tulong na nakukuhanan ko ang mga bagay na nagpapasaya sakin pamilya ko, kaibigan, pagkain, lugar, sarili ko at iba pang bagay bagay.
"Photography is a way of feeling, of touching, of loving. What you have caught on film is captured forever. It remembers little things, long after you have forgotten everything"- Aaron Siskind
No comments:
Post a Comment