Wednesday, April 7, 2021



Collect Moment Not Things 💛






" A Picture is worth a thousand words"

                                                                                                                                       

         Bata pa lang tayo marami na agad tayong gusto  gawin at gustong kahiligan pa. Mayroon tayong kanya-kanya libangan, hilig at interest na nagbibigay kasiyahan sa atin. Isa sa mga hilig ko ay ang pagkuha ng ibat-ibang litrato, gustong gusto ko ang kumuha ng mga litrato na kakaiba sa paningin ko, magagandang lugar at syempre ang sarili ko. 

    Tanda ko noon mayroon ang Tito ko na dslr banong bano pa ako noon nung nakita ko iyong kamera na iyon. Sabe ko "Pano kaya to gamitin? Parang andami namang pipindutin dito" . Ningitian lang ako ng Tito ko kase sobrang matanong ako noon ayaw niya akong sagutin tungkol sa kamera niya.

    Pansin ko pa sa Tito ko noon na kapag gagala kami o pupunta sa ibang lugar palagi siya nakuha ng litrato. Kahit mga puno, pagkain at kung ano pa basta kung anong magustuhan niya. Tinanong kopa siya isang beses " Tito bakit ba lagi po kayo nakuha ng litrato? Hindi na naalis sa kamay niyo yang kamera mo." Ang sagot niya " Alam mo para makolekta ko ang mga memories sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato at nakakawala kaya to ng stress". Doon ko lang naisip na masaya siguro na gawin ko yon at gayahin ko ang Tito ko. 


    Ngayon na nagkaisip na ako tapos nagkaroon na ako ng alam sa mga kamera at nagkaroon ako ng cellphone nakahiligan kuna ang pagkuha ng litrato. Sobrang saya kaya sa feeling na nakukuhan mo yung mga bagay bagay na dagdag sa mga moments mo in life. Masarap kumuha ng litrato lalo na kapag tungkol sa lugar. Sobra sarap kaya sa pakiramdam tapos nakakatanggal ng stress na feeling mo buo na ang araw mo alam mo yon? Mapapabuntong hininga kana lang at sasabihing " Haaaays, sana palagi na lang ganito" .

          Kahit mga simpleng bagay na nakikita ko hilig kong kuhanan. Minsan nga napaka OA kuna yung bago kumain kailangan kuhanan ko muna ng litrato yung kakainin namin mga ilang shots pa iyon bago pa kami magsimula. May times din na kapag magtatravel kami hindi pwede na wala akong memories na litrato sa mga lugar na napuntahan namin. Naisip ko kase na maitatago ko ang mga litrato na ito at sobrang laking tulong na nakukuhanan ko ang mga bagay na nagpapasaya sakin pamilya ko, kaibigan, pagkain, lugar, sarili ko at iba pang bagay bagay.

    Advice ko lang sa mga kapwa ko na ang hobbies ay ang paglilitrato o di kaya sa mga baguhan (feeling professional hihi) the most important na lagi nating tatandaan pag nakuha tayo ng litrato habaan ang pasensya at good timing sa pagkuha ng litrato kasi not every time one click lang natin maganda na agad. Para sa akin mga 3 to 5 shots rapidly and continous para makuha ang best at makuha ang best part of the moment. 
 


"Photography is a way of feeling, of touching, of loving. What you have caught on film is captured forever. It remembers little things, long after you have forgotten everything"- Aaron Siskind